Friday, February 5, 2016

Alamat ng Suklay






By: Hen. Pepe at Ella 


Inspired by "The Croods"(...pahiram Disney)
Ang istoryang ito ay magsisimula noong panahon ng unang bato o...Stone Age.
May isang pamilyang, sabog-sabog ang buhok –hindi pa uso rebond non, atsaka wala pang suklay, ano ba kayo! Tinawag ang pamilya nilang: Guevarra. Ang pamilya Guevarra.
Tapos... pero sa di malamang dahilan at kasaklapan ng layp, magaganda at ala-rebonded ang mga buhok ng ibang nilalang, pwera sa pamilya nila, kaya lagi silang tinutukso at minamaliit sa sinaunang lipunan nang dahil sa kanilang buhok.
"Aah! Sabog! Saboog! Sabooog! Saboooog!" ^O^ ^O^^O^^O^ (pataas po nang pataasang pitch ng boses ng mga bata, kapag hindi pataas nang pataas, pekepoyun.) paulit-ulit na kutya ng mga bata kay Toya.
Sumimangot si Toya –ang natatanging baby Guevarra, at sinabing, "Atlis, sabog buhok! Eh, kayo?! Sabog mukha! Sabog ngusooo! AHAHAHAHAHAHA!"
"Ah ganon?!"–sagot ng sinaunang mean girls, "Gusto mo pasabugin din naming yung mukha mo?! WALA KANG PAKI-ALAM! WALA KANG PAKE! WALANG MAKAKAPIGIL SAMIN!!!COME ON PABEBE WARRIORS!" sinugod ng sinaunang mean girls/pabebe warriors si Toya na walang kamalay-malay at walang kalaban-laban.
Sinabunutan, sinapak at kinalmot at pinagsisipa-sipa nila ang kawawang siToya, ang ending, umuwi sya nang duguan at ngumangawa-ngawa dahil sa mga tinamong sugat at sakit sa katawan.
"Oh my God Toya, what happened?!" biglang nag-hysterical si AlingRoxan –ina ni Toya.
"I'm so tired Mom! I wanna end my life! All my life! I've been teased and humiliated by my playmates!!! I hate my hair, I hate my life! I hate this family!" bulalas ni Toya.
"Oh why? Oh why? My beautiful daughter, what are you saying? That's not true!"
"Yes! It is! You always say that! I'm so tired!"
Niyakap ni Aling Roxan ang kanyang mahal na anak at sinabing, "Don't worry my dear daughter, I'll find a solution for our hair, ASAP."
"Promise?"
"Promise."
"Pinky swear?"
At nag-pinky swear sila.
Tapos, tumakbo sa kakahuyan si AlingRoxan, nagbakasaling doon nya mahahanap ang solusyon sa kanilang problema. Tumingin-tingin sya sa paligid, at nag-isip ng ideya, kung anong pwede nyang gawin. Ginalugad nya ang buong kagubatan maging underwater makahanap lamang ng magpapa-payapa sa kanilang buhok. Ngunit, tila minamalas si Aling Roxan.Hinabol sya ng isang menopausal na oso, at kinagat ng maraming mainiping mga langgam, at hinabol ng maraming romantikong bubuyog, naka-apak ng nagsusumigaw na jackpot (Jackpot: "JACKPOT AKO!" pag hindi sumisigaw ng ganito, peke po yun!), at kiniliti ng haliparot naipis. At nang mapagod sa paghahanap, ay napaupo sya sa isang bato, at unti-unting pinanawan ng pag-asa. Nais nya nang umuwi, pero naalalanya ang pinky swear nila ni Toya. Hindi nya maaring biguin ang kanyang anak dahil sa baka mag-bigte na ito.
Kaya naman muli syang tumayo para muling mag-hanap, ngunit napigilan sya sa pagtayo dahil sumabit ang kanyang buhok sa dambuhalang roporbya. Hinila nya ang buhok nya mula sa pagkakasabit sa roporbya, dahilan upang unti-unting mawala ang mga sabit, at umayos ang kanyangbuhok. Naisip ni Aling Roxan, na baka iyon na ang kasagutan sa kanilang problema.
Dali-daling kumuha si Aling Roxan ng sanga ng roporbya at paulit-ulititong hinagod sa buhok nya, ngunit naging duguan lamang sya dahil sa mga tinik na tumusok sa kanyang anit. Kaya naisipan nyang kumuha ng ibang materyales para makagawa ng bagay na kamukha ng sanga ng roporbya. Nangolekta sya ng isang medyo mahaba at mapayat na sangang kahoy, mga maliliit na dahong panali, at mas maliit pang mga sanga. Pinagkabit-kabit nya ang maliliit na sanga sa mas malaking sanga gamit ang mga dahong panali nang buong tyaga at sipag, lahat para sa kanyang minamahal na anak.
Nang mabuo na ni AlingRoxan ang materyal, sinubukan nya ito at matagumpay nitong na-ayos ang kanyang sabog-sabog na buhok na walang dumanak na dugo. Tumakbo sya pabalik sa kanilang bahay na bato at ibinigay kay Toya ang kanyang nilikha. Ngunit,
"Ano ba'yan Mommy?!Ba't ngayon ka lang nakarating? What took you so long?!"
"Ah—anak—ano kasi e—,"
"Yan tuloy wala pa tayong pagkain, kung san-san ka na naman siguro pumunta no?!" bastos na bulalas ni Toya.
"Anak, kasi—,"
"At 'yang buhok mo? Bakit parang rebonded na'yan? Pumuntaka siguro don kay Aling Jose no, para magpapatong ng flat na bato dyan sa buhok mo at pagtu-tulungang i-rebond sa pamamagitan ng pagtulak! Mommy?! How could you?"
Namugto sa mga luha ang mga mata ni Aling Roxan, "Wala kang alam Toya, kung alam mo lang ang mga dinanas ko, para lang makagawa ng—ng—ng--," walang maisip si Aling Roxan na pwedeng maitawag sa kanyang hawak, "Para lang makagawa ng...." bigla nalang nyang nasambitla ang salitang "---SUKLAY!"
"SUKLAY?! Mommy, what are you talking about?!"—nagtatakang tanong ni Toya.
Nataranta si AlingRoxan, "Hindi ko rin alam! Basta suklay yan! At para sa'yo yan! Dahil hindi ko na kayang makitang sinasaktan ka ng mga pabebe warriors! Lahat gagawin ko para sa'yo anak, kaya patawarin mo ko kung wala tayong pagkain ngayon...sige, wait lang, mangangaso muna ako."
Lumisan si Aling Roxan para maghanap ng pagkain nila ni Toya at ng kanyang batugang asawa. Habang si Toya naman ay naiwan sa kanilang bahay na bato, pinagmamasdan ang kanyang ina na humayong muli para humanap ng makakain. Non' nya lamang napagtanto na may kalmot ng menopausal na oso ang nanay nya sa bandang likuran, may mga kagat ng mga mainiping langgam sa kanyang mga paa, may mga kagat ng mga romantikong bubuyog sa kamay at may bakas ng nagsusumigaw na jackpot sa talampakan. Hindi nya alam kung anong nangyari sa kanyang ina ni-hindi nya nga man lang ito natanong kung kamusta, ngunit ang alam nya lamang ay pinagdaanan lahat 'yon ng kanyangina, maibsan lamang ang kanyang kalungkutan, at makagawa ng bagay na tinawag nyang suklay.
Dahang-dahang sinuklay ni Toya ang kanyang buhok habang tumatangis, at unti-unti nyang napansin ang magandang epekto sa dating sabog nyang buhok. Nagsisi sya sa kanyang nagawa sa kanyang ina, kaya hinabol nya si AlingRoxan para humingi ng tawad. Ngunit sa kanyang daan papunta sa pinag-tunguhan ng kanyang ina ay nakarinig sya ng malakas na kalabog. Agad-agad nyang tinungo ang pinagmulan ngtunog at nagtagpuan nya ang kanyang ina'ng naka-handusay sa lupa.
"Oh, Mother! What happened?!" sigaw ni Toya.
Walang malay si Aling Roxan dahil nakaapak ito ng sigang uod, nadulas at nabagok sa bato. Nag-hysterical si Toya sa pagka-baldog ng kanyang ina, "Oh, mom! I'm really, really sorry for what I've done!" iyak ni Toya nang sobrang lakas, habang inaalog-alog ang kanyang ina.
"Mommy, please! Wake up!"
Umiyak ng umiyak si Toya hanggang sa bigla syang nakaramdam ng paghaplos sa kanyang buhok, "Anak,bakla ka ng taon! Ang gandamo! Para kanangrebonded!" ani Aling Roxan.
"Oh Mommy! You're alive! I'm so sorry! I'm so sorry for what I've done and for all na sinabi ko to you, sorry mommy!"
Niyakap ni Toya ang kanyang ina at sila'y nagkapatawaran.
"Okay lang anak, malakas ka sakin eh!"—napangiti na lamang si Aling Roxan, kasabay ng mainit na mga luha ng pumatak mula sa kanyang mga mata.
Simula non' ay nag-trending na ang suklay na inimbento ni Aling Roxan,sa buong bayang bato, at sila na ang ang kang may pinakamagagandang buhok sa buong daigdig. At, nanahimik na ang mga pabebe warriors. (Joke lang. Hindi mapapatahimik ang mga pabebe. Walang makakapigil sa kanila. BABALA....)
Ang "Alamat ng Suklay".Bow.


https://soundcloud.com/slim-shady-157376887

Sunday, December 13, 2015

NESCAFE AND MILO


Once upon a time, I had the chance to go to Baguio City for the TURD Talks together with my co-learners and mentor. It was my first time to be in Baguio and I was so excited because FINALLY I would feel the I-<3-Baguio-feels. Alam kong malamig don so, I would have enough reasons to wear stockings, I would have enough reasons para hindi maligo ng ilang araw kasi hindi naman ako pagpapawisan sa sobrang lamig. lol

We finally came to the University of the Cordilleras (UC) around 3 AM. Kinaylangan muna naming ayusin ang mga gamit namin bago kami makapag-pahinga, pero actually, pagkatapos namin mag-ayos ng gamit ay wala na kaming oras para magpahinga dahil we need to practice pa yung mga talks namin...KAYA RAK! 

Around 6AM, this woman came to our room. She was wearing this long, brown, leather jacket and blue scarf around her neck. Matangkad sya and she walked, talked, dressed with sophistication. Nung makita nya ako, sabi nya sa mentor ko, "O, may bata pala kayong kasama?"

Nung una natakot ako kasi tumuturo sya sa direksyon ko, eh hindi naman na ako bata --hindi kaya may nakikita syang hindi namin nakikita...may batang multo ba dito? --pero natatawang sinabi ng co-learners ko na ako yung tinutukoy ni Ma'am. 

Natawa nalang ako. At first, I was intimidated kasi naa-amaze ako sa grace nya at sa pagka-suave ng boses nya, parang ayaw ko ng magsalita...

But, she was very nice to us and she gave us a freezing tour around UC. Natuwa ako sa mga estudyante, mga naka-boots, makakapal na jacket, scarfs, yung iba naka-coat, parang yung mga nakikita ko sa movies --ang lakas maka-feeling nasa America. Habang ako, nanginginig suot ang black hooded jacket na ang lakas maka-Eminem. The faculty was very nice as well.. Tahimik lang kami ng mga co-learners ko na naglalakad, tumitingin-tingin at naninigas sa lamig --kinaylangan yata naming mag-tapikan para malaman kung buhay pa ba yung isa't-isa eh, baka na-Frozen na kakanta ako ng "Let It Go" pero, may favorite part in the tour was the breakfast treaaaaat!!!

Nakahain na ang mga kakainin namin for breakfast nang dumating kami sa university canteen. Ready na ang lahat. There were fried daing na bangus, fried rice, adobo, etc. For our drinks, merong Nescafe. Napalunok-laway ako nung makita ko yung kape, kasi hindi ako umiinom ng kape kasi sumasakit ulo ko kapag nakakainom ako ng kape, ewan. Marahil dahil sa laking kape ako at hindi laking Bear Brand kaya sabi ng utak ko, "Tama na."

Patay...walang panulak, man.

Nagsimula kami kumain. Hindi ko sinabi na hindi ako umiinom ng kape, kasi nahihiya ako. Sila naman na ang nag-handa ng mga kakainin namin kaya naisip ko, "Bahala na. Magbe-behave naman siguro ngayon yung brain ko."

Habang kumakain ay nag-uusap sila Ma'am at mentor ko at paminsan ay natatanong din nila ako at yung mga kasama pa namin. Hanggang sa, napansin ni Ma'am na hindi ko iniinom yung kape.

She gently touched my right hand, "O, kape! Don't you drink coffee?" tanong nya sakin na medyo nagulat.

"Hindi po eh," sagot ko.

"Bakit di mo sinabi?"

"Sumasaki--"

"What do you like?" she interrupted.

"Milo nalang po," nahihiyang sagot ko. Alam kong tonic yung Milo, pero mas okay na'yun kaysa kape.

Mabilis na hiniling ni Ma'am sa mga workers ng canteen na bigyan ako ni Milo. At nang binigay na sakin yung Milo, sabi ko sa isip ko...Yes!

"Thank you po!" sabi ko kay Ma'am.

"Alam mo, sa susunod magsasabi ka. Walang masama dun," panimula ni Ma'am na sinang-ayunan ng mentor ko, "Alam mo kasi, nasanay tayo eh, naturo na ng mga magulang natin na kung ano nalang ang nilagay dyan (hapagkainan), hwag ng mag-reklamo."

"Pero kaylangan mong mag-salita. That's why, you know, students I know from UP (malapit-lapit lang kasi ang UP Baguio sa UC), they are outspoken. Marunong silang mag-salita, but many people see it as what?" there was a pause, "Kabastusan. But it's not. It is, kung ano sila eh, it's authenticity. Kaya next time, magsasalita ka ha..."

All the while that she was talking, I was just staring and listening at her. 

I realized, I love her.

Gusto ko sanang itanong, e pano kunwari gusto ko ng Milo, kaso kape lang talaga meron walang pambili ng Milo...kaso nasagot ko rin sarili ko, "eh 'di magtubig."

Pero, seriously, I'm glad to hear that from a professor and that experience between Nescafe and Milo taught me that it's normal for people to say you're being rude or even hate you when your being real -you just can't please everybody, but you just gotta say what you feel and keep it 100% real. Ghaaad, I'll never forget her...and that Nescafe Classic...and of course, that Milo.

#UtakAtPuso