By: Hen. Pepe at Ella
Inspired by "The Croods"(...pahiram Disney)
Ang istoryang ito ay magsisimula noong panahon ng unang bato o...Stone Age.
May isang pamilyang, sabog-sabog ang buhok –hindi pa uso rebond non, atsaka wala pang suklay, ano ba kayo! Tinawag ang pamilya nilang: Guevarra. Ang pamilya Guevarra.
Tapos... pero sa di malamang dahilan at kasaklapan ng layp, magaganda at ala-rebonded ang mga buhok ng ibang nilalang, pwera sa pamilya nila, kaya lagi silang tinutukso at minamaliit sa sinaunang lipunan nang dahil sa kanilang buhok.
"Aah! Sabog! Saboog! Sabooog! Saboooog!" ^O^ ^O^^O^^O^ (pataas po nang pataasang pitch ng boses ng mga bata, kapag hindi pataas nang pataas, pekepoyun.) paulit-ulit na kutya ng mga bata kay Toya.
Sumimangot si Toya –ang natatanging baby Guevarra, at sinabing, "Atlis, sabog buhok! Eh, kayo?! Sabog mukha! Sabog ngusooo! AHAHAHAHAHAHA!"
"Ah ganon?!"–sagot ng sinaunang mean girls, "Gusto mo pasabugin din naming yung mukha mo?! WALA KANG PAKI-ALAM! WALA KANG PAKE! WALANG MAKAKAPIGIL SAMIN!!!COME ON PABEBE WARRIORS!" sinugod ng sinaunang mean girls/pabebe warriors si Toya na walang kamalay-malay at walang kalaban-laban.
Sinabunutan, sinapak at kinalmot at pinagsisipa-sipa nila ang kawawang siToya, ang ending, umuwi sya nang duguan at ngumangawa-ngawa dahil sa mga tinamong sugat at sakit sa katawan.
"Oh my God Toya, what happened?!" biglang nag-hysterical si AlingRoxan –ina ni Toya.
"I'm so tired Mom! I wanna end my life! All my life! I've been teased and humiliated by my playmates!!! I hate my hair, I hate my life! I hate this family!" bulalas ni Toya.
"Oh why? Oh why? My beautiful daughter, what are you saying? That's not true!"
"Yes! It is! You always say that! I'm so tired!"
Niyakap ni Aling Roxan ang kanyang mahal na anak at sinabing, "Don't worry my dear daughter, I'll find a solution for our hair, ASAP."
"Promise?"
"Promise."
"Pinky swear?"
At nag-pinky swear sila.
Tapos, tumakbo sa kakahuyan si AlingRoxan, nagbakasaling doon nya mahahanap ang solusyon sa kanilang problema. Tumingin-tingin sya sa paligid, at nag-isip ng ideya, kung anong pwede nyang gawin. Ginalugad nya ang buong kagubatan maging underwater makahanap lamang ng magpapa-payapa sa kanilang buhok. Ngunit, tila minamalas si Aling Roxan.Hinabol sya ng isang menopausal na oso, at kinagat ng maraming mainiping mga langgam, at hinabol ng maraming romantikong bubuyog, naka-apak ng nagsusumigaw na jackpot (Jackpot: "JACKPOT AKO!" pag hindi sumisigaw ng ganito, peke po yun!), at kiniliti ng haliparot naipis. At nang mapagod sa paghahanap, ay napaupo sya sa isang bato, at unti-unting pinanawan ng pag-asa. Nais nya nang umuwi, pero naalalanya ang pinky swear nila ni Toya. Hindi nya maaring biguin ang kanyang anak dahil sa baka mag-bigte na ito.
Kaya naman muli syang tumayo para muling mag-hanap, ngunit napigilan sya sa pagtayo dahil sumabit ang kanyang buhok sa dambuhalang roporbya. Hinila nya ang buhok nya mula sa pagkakasabit sa roporbya, dahilan upang unti-unting mawala ang mga sabit, at umayos ang kanyangbuhok. Naisip ni Aling Roxan, na baka iyon na ang kasagutan sa kanilang problema.
Dali-daling kumuha si Aling Roxan ng sanga ng roporbya at paulit-ulititong hinagod sa buhok nya, ngunit naging duguan lamang sya dahil sa mga tinik na tumusok sa kanyang anit. Kaya naisipan nyang kumuha ng ibang materyales para makagawa ng bagay na kamukha ng sanga ng roporbya. Nangolekta sya ng isang medyo mahaba at mapayat na sangang kahoy, mga maliliit na dahong panali, at mas maliit pang mga sanga. Pinagkabit-kabit nya ang maliliit na sanga sa mas malaking sanga gamit ang mga dahong panali nang buong tyaga at sipag, lahat para sa kanyang minamahal na anak.
Nang mabuo na ni AlingRoxan ang materyal, sinubukan nya ito at matagumpay nitong na-ayos ang kanyang sabog-sabog na buhok na walang dumanak na dugo. Tumakbo sya pabalik sa kanilang bahay na bato at ibinigay kay Toya ang kanyang nilikha. Ngunit,
"Ano ba'yan Mommy?!Ba't ngayon ka lang nakarating? What took you so long?!"
"Ah—anak—ano kasi e—,"
"Yan tuloy wala pa tayong pagkain, kung san-san ka na naman siguro pumunta no?!" bastos na bulalas ni Toya.
"Anak, kasi—,"
"At 'yang buhok mo? Bakit parang rebonded na'yan? Pumuntaka siguro don kay Aling Jose no, para magpapatong ng flat na bato dyan sa buhok mo at pagtu-tulungang i-rebond sa pamamagitan ng pagtulak! Mommy?! How could you?"
Namugto sa mga luha ang mga mata ni Aling Roxan, "Wala kang alam Toya, kung alam mo lang ang mga dinanas ko, para lang makagawa ng—ng—ng--," walang maisip si Aling Roxan na pwedeng maitawag sa kanyang hawak, "Para lang makagawa ng...." bigla nalang nyang nasambitla ang salitang "---SUKLAY!"
"SUKLAY?! Mommy, what are you talking about?!"—nagtatakang tanong ni Toya.
Nataranta si AlingRoxan, "Hindi ko rin alam! Basta suklay yan! At para sa'yo yan! Dahil hindi ko na kayang makitang sinasaktan ka ng mga pabebe warriors! Lahat gagawin ko para sa'yo anak, kaya patawarin mo ko kung wala tayong pagkain ngayon...sige, wait lang, mangangaso muna ako."
Lumisan si Aling Roxan para maghanap ng pagkain nila ni Toya at ng kanyang batugang asawa. Habang si Toya naman ay naiwan sa kanilang bahay na bato, pinagmamasdan ang kanyang ina na humayong muli para humanap ng makakain. Non' nya lamang napagtanto na may kalmot ng menopausal na oso ang nanay nya sa bandang likuran, may mga kagat ng mga mainiping langgam sa kanyang mga paa, may mga kagat ng mga romantikong bubuyog sa kamay at may bakas ng nagsusumigaw na jackpot sa talampakan. Hindi nya alam kung anong nangyari sa kanyang ina ni-hindi nya nga man lang ito natanong kung kamusta, ngunit ang alam nya lamang ay pinagdaanan lahat 'yon ng kanyangina, maibsan lamang ang kanyang kalungkutan, at makagawa ng bagay na tinawag nyang suklay.
Dahang-dahang sinuklay ni Toya ang kanyang buhok habang tumatangis, at unti-unti nyang napansin ang magandang epekto sa dating sabog nyang buhok. Nagsisi sya sa kanyang nagawa sa kanyang ina, kaya hinabol nya si AlingRoxan para humingi ng tawad. Ngunit sa kanyang daan papunta sa pinag-tunguhan ng kanyang ina ay nakarinig sya ng malakas na kalabog. Agad-agad nyang tinungo ang pinagmulan ngtunog at nagtagpuan nya ang kanyang ina'ng naka-handusay sa lupa.
"Oh, Mother! What happened?!" sigaw ni Toya.
Walang malay si Aling Roxan dahil nakaapak ito ng sigang uod, nadulas at nabagok sa bato. Nag-hysterical si Toya sa pagka-baldog ng kanyang ina, "Oh, mom! I'm really, really sorry for what I've done!" iyak ni Toya nang sobrang lakas, habang inaalog-alog ang kanyang ina.
"Mommy, please! Wake up!"
Umiyak ng umiyak si Toya hanggang sa bigla syang nakaramdam ng paghaplos sa kanyang buhok, "Anak,bakla ka ng taon! Ang gandamo! Para kanangrebonded!" ani Aling Roxan.
"Oh Mommy! You're alive! I'm so sorry! I'm so sorry for what I've done and for all na sinabi ko to you, sorry mommy!"
Niyakap ni Toya ang kanyang ina at sila'y nagkapatawaran.
"Okay lang anak, malakas ka sakin eh!"—napangiti na lamang si Aling Roxan, kasabay ng mainit na mga luha ng pumatak mula sa kanyang mga mata.
Simula non' ay nag-trending na ang suklay na inimbento ni Aling Roxan,sa buong bayang bato, at sila na ang ang kang may pinakamagagandang buhok sa buong daigdig. At, nanahimik na ang mga pabebe warriors. (Joke lang. Hindi mapapatahimik ang mga pabebe. Walang makakapigil sa kanila. BABALA....)
Ang "Alamat ng Suklay".Bow.
https://soundcloud.com/slim-shady-157376887
No comments:
Post a Comment